FEATURED BLOG!!!

24 10 2007

www.blogniinday.com.

Here’s one of the newest post of Inday:

MMDA

Minsan ay nagpasama ang amo ni Inday sa kanya para mag-grocery. Dahil sa tindi ng trapik nung araw na yun, napilitan silang maghanap ng ibang daan.

Pag-pasok sa kalye, ay bigla na lang may sumulpot na MMDA at pinahinto sila.

Amo: Shit. Badtrip naman.

Inday: Great! (being sarcastic)

Lumapit si manong MMDA sa bintana ng amo ni Inday.

Manong MMDA: Sir, di niyo ba alam na one way po itong pinasukan niyo?

Amo: Kung alam ko ede sana di na ako dumaan dito.

Manong MMDA: Lisensya na lang po sir.

Dudukutin na sana ng amo ni Inday ang pitaka nya nang nalaman nyang naiwan nya pala ito sa bahay. patay!

Amo: Ahh chief, ehh kasi ahh naiwan ko pala pitaka ko sa bahay. pasensya na po.

Manong MMDA: Naku sir, matinding violation po yan. Yung registration na lang po.

Inabot ng amo ang registration papers ng sasakyan kay manong MMDA.

Binasa ni manong at sumilip sa plaka ng sasakyan. mukhang coding pa ata sila Inday.

Manong MMDA: Sir, mukhang nakalimutan niyo atang coding kayo ngayon.

Amo: Nyeta naman, kung minamalas nga naman talaga oo. Sir, baka ahmm, pwede natin gawan ng paraan.

Naiinip na si Inday sa kahihintay kaya’t naisipan nyang kausapin na rin si manong.

Inday: Excuse us Mr. Officer but we really don’t have time to dily-daly out here. We still have places to go and people to see so can you…

Amo: Pwede ba Inday, tumahimik ka na lang dyan. Hayaan mo na akong makipag-usap dito…

Sumilip si Inday sa loob ng sasakyan at nanlaki ang mga mata.

Manong MMDA: Is that you Inday? The most famous chambermaid in the world? Bollocks! I can’t believe my luck! I’ve heard so much about you and I’m quite such a fan. I even have you on my blogroll! Tell you what, if you could just give me your autograph, I’d be happy to escort you guys to wherever your destination is.

Pumayag si Inday at pinirmahan ang likod ng ticketbook ni manong.

Amo: [dumugo ang ilong]

(grabe na talaga powers ni Inday)

Advertisements