Ano Ito?

6 12 2007

Mga salitang kakaiba… naririnig ko sa opisina at sa kalye… nagagaya ko na nga yung iba e… nakakatuwa lang… kabilang ba ‘to sa tinatawag na “Gay lingo”?

  • Churvabells – tawag sa mga taong pinag uusapan… para hindi nila malaman na sila pala yun… pwede din ipalit sa pangalan ng company na pinagtatrabahuhan mo… para di ka mabigyan ng 3 days na leave! hahaha… word from Jaclyn 🙂
  • Che – short daw for “LECHE”. Madalas magamit pag may umookray.
  • Okray – panlalait nga ba to?
  • Tsikadora – matsismis na tao.
  • Tsismax – kumakalat na usap usapan.
  • Astig – nice one…
  • Charing – joke lang daw
  • Churvahan – madami daw to meaning e… pag tungkol sa gawain o gagawin ito daw ginagamit pag di na mahagilap yung correct word…
  • Churva – same as churvahan… madami din meaning… ginagamit naman daw to na parang word na “ano” or ginagamit sa word na hindi din mahagilap.
  • Rampa – lakad lang naman daw… bakit rampa pa? model ba?
  • Ever – As in best agent “EVER”.
  • Broke – sbi ni madam sabihin daw sa kustomer na walang pera “I understand that your Broke!“.
  • Courtesy – hehehe… kung baga sa cd pirated, parang donation lang… “Ganda ng damit mo a… Courtesy of what?
  • Freezed – past tense for freeze? Kelan pa?
  • Chipangga – long for Cheap. word of ate AJ…

Nakakatuwa sa work station… ang gulo gulo… and ingay ng team namin…

Sana lang di kami ma-“PD” dahil sa kaingayan… Team Rocker!!!

Advertisements